Ang Tagalog na bersyon ng Website ng Tanggapan ng Opisyal na Tagatanggap ay naglalaman lamang ng mga piling mahahalagang impormasyon. Maaari mong ma-access ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Traditional Chinese o Simplified Chinese.
Maligayang pagdating sa website ng Tanggapan ng Opisyal na Tagatanggap (ORO). Itinatag ang ORO noong ika-1 ng Hunyo 1992 at gumaganap ng iba't ibang mga tungkulin ayon sa batas na may kaugnayan sa pagka-bangkarote sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ng Republikang Bayan ng Tsina. Nilalayon naming magbigay ng serbisyo sa insolvency na may mataas na kalidad, upang suportahan ang Hong Kong SAR bilang isang pangunahing International Financial Center.
Mga pangunahing tungkulin ng ORO:-
Gumagamit ang ORO ng Chinese at/o Ingles sa pagbibigay ng mga serbisyo nito. Aayusin nito ang serbisyo sa interpretasyon kung kinakailangan at kung naaangkop kapag nagbibigay ng serbisyo sa insolvency para sa mga tao ng iba't ibang lahi sa pamamagitan ng Sentro para sa Pagkakaisa at Pagpapaunlad ng mga Residente ng Minoryang Etniko (CHEER) sa ilalim ng Serbisyong Kristiyano ng Hong Kong. Sa kasalukuyan, ang CHEER ay nagbibigay ng serbisyo ng interpretasyon sa telepono sa walong wika, tulad ng, Bahasa Indonesia, Nepali, Urdu, Punjabi, Tagalog, Thai, Hindi, Vietnamese o sa pamamagitan ng iba pang tagapagbigay ng serbisyo kung naaangkop. Ang mga numero ng hotline para sa mga nabanggit na serbisyo ng interpretasyon ay ang mga sumusunod:
Bahasa Indonesia | 3755 6811 |
Nepali | 3755 6822 |
Urdu | 3755 6833 |
Punjabi | 3755 6844 |
Tagalog | 3755 6855 |
Thai | 3755 6866 |
Hindi | 3755 6877 |
Vietnamese | 3755 6888 |
Para sa karagdagang detalye, mangyaring bisitahin ang website ng CHEER sa https://hkcscheer.net/hk/.